Forgive the Shark
Read: Genesis 50:15-21 "Don't be afraid. I will continue to take care of you and your children. So he reassured them by speaking kindly to them." (v.21)
Message: Mahirap ba ang magpatawad? Kapag ba nagpatawad ka sa tao, it means na mahina ka? Para sa akin, hindi siya mahirap, masarap nga sa kalooban mo kasi gumagaan ang pakiramdam ng nagpatawad eh. Isang tao ang sumira ng aking tiwala. Ang sakit ng ginawa niyang iyon. Pero sinabi ko sa sarili ko nun, ako ay isang anak ng Dios, dapat marunong akong magpatawad. Mas mali pa nga ang nagagawa ko sa Kanya, but still pinapatawad Niya ako. So, ako pa ba na hindi marunong magpatawad? Nakakababa daw ng "pride" ang magpatawad. Pero sinabi nga ng Dios, ang mga nagmamataas binabagsak, then opposite. Katulad ni "Joseph the dreamer." Pinatawad niya ang kanyang mga kuya. Ang laki ng mga kasalanan na ginawa nila sa kanya. Ang importante dito, magkaroon tayo ng pusong mapagkumbaba. Yun ang nais ng Dios, ang magmahalan tayo sa isa't-isa.
Promise(s): Ang pangako ng Dios ay lagi Siyang nariyan, handa kang patawarin sa iyong mga kasalanan. Isa Siyang napakabuting Ama.
Command(s): Utos naman sa atin ng Dios sa oras na ito ay magpatawad tayo sa mga taong nakagawa sa atin ng kasalanan (vice versa). Dapat ang puso natin ay kasing puti ng nyebe, walang bahid ng kasalanan. Kung alam mong nagkasala ka, manghingi ka ng tawad sa Kanya.
Warning(s): Paki-ingatan ang iyong puso lagi. Ang puso natin ay tahanan Niya. Kung gusto mo Siyang manatili sa iyong puso, gawin mo siyang malinis lagi. Para ka lang naglilinis araw-araw ng iyong bahay.
Application(s): Always na magpatawad sa kapwa. Kung kailangan mo mag-sorry, eh di mag-sorry ka, sa tao man o sa Dios.
More: Read the account of Stephen in Acts 7:54-60 and see his example of a forgiving heart. ODJ
Kahit hindi siya pinakinggan ng mga tao, kahit pinagtatapunan na siya ng mga bato, nandoon pa rin ang kanyang mahabaging puso para sa tao. Grabe itong taong ito.
Next: What wounds do you carry from an attack of bitter words or actions? What are same practical things you can do to respond like Joseph and Stephen when you're bitten? ODJ
- Marami. Marami silang sinabi, nakakapanlumo sa akin personally. Dinamay na lahat maski spiritual life ko, family ko at iba pa.
- Pero dinulog ko lagi iyon sa Panginoon. Hindi ko magawang hindi maluha kapag inaatake nila ako. Pero sabi ko lagi sa Panginoon, na masakit man pero patawarin Niyo po sila. Humingi rin ako ng humble spirit para mapatawad ko din sila. Then after ng dasal, kakausapin ko na sila, ako na ang mag-sosorry.
Bible Verse for Today: Proverbs 25:21-22 "If your enemy is hungry, give him food to eat, if he is thirsty, give him water to drink. In doing this, you will keep burning coals on his head, and the Lord will provide you."
No comments:
Post a Comment