Difficult Opportunities
Read: Philippians 4:10-23 "I know you have always seen concerned for me, but you didn't have the chance to help me." (v.10)Message: Ang buhay ng tao ay napakabusy. Ang iba ay busy sa pag-aaral, pagtatrabaho at iba pa. Sa sobrang kabusyhan sa buhay, minsan kinakailangan na nilang magset ng alarm para sila ay magising. Pagkagising nila, ang una nilang gagawin is maghanda. Nakakalimutan nang magpasalamat sa Dios, na sila'y ginising Niya. Aminin man natin o hindi, nahihirapan tayong magset ng priorities sa buhay. Marami ka kasing alalahanin. Yan ang buhay ng tao. Pero as Christian, unahin nating iset ang ating sarili sa Dios. Dahil Siya ang may hawak ng oras mo. Malay mo, bawian na tayo ni Lord at hindi ka pa nagpapasalamat, masaklap yun. Yang mga sagabal sa pagpupuri sa Kanya, dapat alisin, baguhin, wakasin ngayong bagong taon. Dapat ipakita natin at iparamdam sa ating Dios na Siya ang pinakauna, pinakapriority sa bawat umaga at araw ang dadating sa ating buhay.
Promise(s): Ang lahat ng bagay ay magagawa natin sa pamamagitan ng tulong ng Dios na nagbibigay sa atin ng lakas (v.13). Basta magtiwala ka lamang tayo sa Kanya na makakaya natin ito.
Command(s): Inuutusan tayo na matuto tayong magtiwala sa Kanya na mameet natin ang ating mga kailangan, basta naayon sa biyaya ng ating Dios (v.19)
Warning(s): Pinapaalalahanan naman tayo na huwag sayangin ang mga ganitong mahihirap na mga oportunidad. Dahil malalaman mo at mararanasan mo ang pag-ibig ng Dios sa iyong buhay. Always be thankful.
Application(s): Ang lahat ay dapat magpasalamat sa Kanya. Dapat pagkagising sa umaga, magpasalamat sa Dios agad (huwag bukas cp agad). Dapat nga eh devotion muna sa umaga ang dapat gawin hindi basta lang magpasalamat.
More: Read Genesis 22:1-19 and learn how God know that Abraham feared Him. ODJ
Story of being obedient ni Abraham kay God. Oo nga, walang atubili si Abraham na ialay niya ang kanyang anak na si Isaac. Isang mahirap na oportunidad yun para magpuri sa Dios. Pero wala siyang problema o reklamo. Ang aral dito, matuto tayong makinig, at sumunod sa tinig ng Dios kahit sa isang mahirap na araw.
Next: What difficulty has you down? How will you see this opportunity to express you devotion to God? ODJ
- Hindi sila palaging nakikinig sa mga sinasabi ko sa church. Walang sumusunod sa akin nun, even the elders. Ang nais ko lamang ay matulungan sila na maibigay nila ang kanilang best sa pagpupuri sa Dios. Pero hindi man nila ako sinunod. Masakit lang.
- Noong una, mangiyak-iyak na ako noon. Pero nung nanalangin ako nun (yung ding araw ding yun), nagkaroon ako ng conviction sa sarili ko na "hindi ko naman ginagawa ito para sa iba eh, ginagawa ko ito para sa ikatutuwa ng Dios." At yun, hindi ko na inisip ang ibang tao. Basta ipinagpatuloy ko lang yung service ko sa aking mga ministries, para maitaas ang Kanyang Pangalan.
Bible Verse for Today: Philippians 4:13 "I can do all things, through Christ who gives me strength."
No comments:
Post a Comment