Thursday, January 22, 2015

MPCWA (January 2, 2015)

No Filter

Read: Job 42 "I am angry with you and your two friends, for you have not spoken accurately about me." (42:7)
Message: Masyadong matalino na ang mga tao ngayon, lalo na sa Bibliya. Marami ang nagpapadalubhasa pa sa Kanyang mga Salita. Ang iba, kabisado na ang nilalaman ng Bibliya. Pero bakit ang iba ay nasosobrahan na ang talino sa Bibliya? Yung tipong mapapahanga ka sa sagot nya sa mga tanong. Alalahanin natin na, ang lahat ng sobra ay masama. Sabi ng Dios, mas mabuting magsalita ng katotohanan kasama ng pagmamahal (Eph. 4:15). Hindi puro bulaklaking mga salita. Maging accurate ang lahat maski sa pagsha-share ng Salita ng Dios sa iyong mga kaibigan. Huwag magpakadalubhasa ng husto, na maaaring mauwi sa hindi saktong pagbibigay ng Kanyang Salita.
Promise(s): Ang pangako ng Dios ngayong araw na ito, is yung verse 7. Sinong inosente ang pwedeng mapahamak? At kelan masisira ang mga taong tuwid? Kapag nagsaliksik ka sa Salita ng Dios, yung accurate ba, hindi ka Niya hahamakin at sisirain. Just listen, take time, seek Him. And of course, read, share the Good News to everyone pero dapat accurate.
Command(s): Inuutusan tayo na huwag maging/magsalita ng hindi sakto tungkol sa Ama o sa Kanya. Dahil ayaw Niya iyon, at Siya'y magagalit dahil sa mga maling papuri.
Warning(s): Mag-ingat sa susunod na mga araw sa pagbabahagi ng Salita ng Dios. Imbes na makatulong ka, lalo mo lang pinapahamak ang sarili mo.
Application(s): Isa sa mga ginagawa nating mga Kristyano ngayon ay ang magbahagi ng Salita ng Dios, sa pamamagitan ng iba't ibang kaparaanan. Pero, dapat maging sakto, yung tipong lahat ay galing mismo sa Kanyang Salita. Dahil mas nakakalugod sa ating Dios ang magbahagi ng sakto at totoo sa kapwa, kesa magsalita na parang henyo.
More: Read Rev. 22:18-19 and note the serious consequences of adding or subtracting from what God has revealed in His Word. ODJ
v. 18 I warn everyone who hears the words of the prophecy of this book: if anyone adds anything to them, God will add to him the plagues described in this book.
v.  19 And if anyone takes words away from this book of prophecy, God will take away from him his share in the tree of life and in the Holy city, which are described in this book.
- In short, kasalanan at may kaparusahan ang magdagdag o magbawas ng mga Salita ng Dios.
Next: What will help you refine your filter, so that you can accurately reveal God and His ways to others? Why is it best to let your words be few as you counsel or confront? ODJ
- Yung pagiging matatakutin na sa Kanyang Salita. Dapat mas aware na  ako ngayon sa pagsha-share ng Kanyang Salita.
- Kasi magiging balance ka lang sa lahat, sa pagsha-share man or pag-aaral man ng Salita ng Dios. At saka dapat matuto ang lahat na magbahagi lamang nang naayon talaga mismo sa Bibliya. Huwag magpakadalubhasa.
Bible Verse for Today: Revelation 22:18-19 (verses above)

No comments:

Post a Comment