Friday, January 23, 2015

MPCWA (January 3, 2015)

Trust in a Suspicious World

Read: John 14:1-6 "Jesus told him, "I am the way, the truth and the life. No one can come to the Father except through me."" (v.6)
Message: #peoplechange ika nga ni Amiel. Ang tao ay nagbabago ng ugali: either by chance or environment. Minsan nga, ang iyong mga kaibigan, imbes na mapagkakatiwalaan mo, hindi na ngayon. "Nothing's permanent but change..." Pero as a Christian, dapat tayong maniwala na hindi kailanman nagbabago ang  pagmamahal ng ating Dios at ang Kanyang mga pangako at Salita. Kaya dapat, full ang iyong tiwala sa Kanya sapagkat hindi Siya nagbabago kailanman. Maski ang iyong kapamilya, nagbabago rin. Maski ang iyong mga bestfriends nagbabago din. Pero ibahin mo ang Dios. Maari natin Siyang sabihan ng ating mga problema o sikreto (dapat nga, Siya ang una nating kinakausap eh). Ang Dios ay hindi nagbabago, lagi Siyang tapat sa Kanyang mga anak! Tandaan mo 'yan!
Promise(s): "I am the Lord and I do not change" (Malachi 3:6). Patunay na ang ating Dios ay hindi nagbabago kahit kailan. Magbago man ang lahat, pero Siya hindi.
Command(s): Inuutusan Niya tayong umangkla sa Kanyang grasya. Huwag mangamba o matakot (John 14:27). Dahil Siya ay tulad pa rin noon, ngayon at sa kinabukasan (Hebrews 13:8). Hindi nagbabago ang Kanyang pag-ibig sa atin.
Warning(s): Pinapaalalahanan naman Niya tayo na ating bantayan ang ating puso lagi (Proverbs 4:23). Dahil maaari tayong baguhin ng mundo kahit kailan. So, let's guard always our hearts.
Application(s): Bantayan lagi ang puso. Huwag maimpluwensyahan ng makamundong gawain. Maging ilaw nawa tayo at asin ng sanlibutan.
More: Read Proverbs 3:5-6 and consider what it says about trusting God. ODJ
Favorite Bible verse ko nga ito eh hahaha.
Next: Who has broken your trust? How can trusting God help you deal with this broken relationship? ODJ
- Marami na eh. Pero napatawad ko na sila. Alam ko kasi na tao lang din sila, nagkakamali.
- Mapagmahal ang ating Dios. So, tayong mga anak Niya, dapat mapagmahal tayo sa ating mga kapwa kahit mabigat sa kalooban.
Bible Verse for Today: Malachi 3:6 "I am the Lord and I do not change."

No comments:

Post a Comment