Thursday, January 22, 2015

MPCWA (January 1, 2015)

Happy New Year

Read: Psalms 146:1-10 "Joyful are those who have the God of Israel as their helper, whose hope is in the Lord their God." (v.5)
Message: Mas masarap umpisahan ang taon sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa Dios, sa buong taon na Siya ay mabuti sa iyo. Oo, dumating tayo sa point na mayroon tayo na problema, minsan lumalayo ka sa piling ng Dios. Pero, alalahanin natin na sadyang napakabuti Niya sa ating buhay. Hindi Niya tayo iniwan, pinabayaan, lumayo. Kahit na tayo ang lumalayo, nagpapabaya, nang-iiwan, hinahanap Niya pa rin tayo. Ganyan kabuti ang Dios. Kaya't nararapat Siyang bigyan ng mataas (pinakamataas) na papuri.
Promise(s): v.7 inaangat ang mga inaapi, binibigyan ng pagkain ang mga gutom, pinapalaya ang mga nakakulong. Sadyang napakabuti ng Dios sa Kanyang mga pangako. Kahit na sabihin ng iba na para bang binubully ka, huwag kang mag-alala, kasama natin Siya. Alalahanin mo dapat ang Kanyang Salita.
Command(s): v.3 na huwag magtitiwala sa mga taong ipapahamak ka. Alam mo na nga na mapapahamak ang iyong buhay, magtitiwala kapa rin? Sa panahon ngayon, kailangan ng matinding pag-iingat. Dahil malakas na ang kampon ng kaaway. Dapat tayong manatili sa grasya ng Panginoon.
Warning(s): v.9 Siya ay nagmamatyag sa atin, sa lahat ng oras. Dapat sa taong ito, maging maingat na tayo. Kapag nagkasala, humingi agad ng tawad. Alalahanin natin, na ang ating Dios, ay Dios na nagpapatawad.
Application(s): Always give time to God, to say thank you, sorry and bless us. Ang Dios ay mas dapat bigyan ng priority sa time. So this year, baguhin na ang nakalimitang gawin sa buhay. Dapat magset ng oras lagi sa Kanya. Dahil ang ating Dios ay napakaseloso. So, always give time for Him.
More: Psalms 84:4-5. How can you remain joyous throughout the year? ODJ
- v.4 Blessed are those who dwell in your house; they are ever praising you. Selah.
- v.5 Blessed are those whose strength is in you, who have set their hearts in pilgrimage.
In short, praise the Lord always. And always seek His presence.
Next: What's one thing you can praise the Lord for today? How does praising God change our perspective of life and its challenges? ODJ
- Isang bagay na pinagpapasalamat ko sa Panginoon is, itong bagong taon. Kasi, napakabuti ng Dios. Biruin nyo yun, napakapasaway ko sa Kanya, pero inabot kong itong 2015. Salamat sa buhay, sa lahat, marami.
- Mas masaya at maluwag sa puso kayang nagpuri ka sa Kanya, lalo na yung buong puso. Nakakawala ng problema.
Bible Verse for Today: Psalms 146:2 "I will praise the Lord all my life; I will sing praise to my God as long as I live."


No comments:

Post a Comment