Sunday, January 25, 2015

MPCWA (January 6, 2015)

Chariots and Computers

Read: Psalm 44:1-8 "It was you right hand and strong arm... that helped them." (v.3)
Message: Ang ganda ng mensahe ngayon ng ODJ. Sa ating buhay, imposible naman na hindi tayo nagkakaroon ng pagsubok: pamilya, pinansyal, buhay, kalusugan atbp. Pero sa lahat ng dako, nandyan ang Dios, kasa-kasama natin lagi kaya lagi tayong nagtatagumpay. Hindi tayo gumagaling sa pamamagitan ng duktor o mga gamot; o kaya naman, nagkakaroon tayo ng pera dahil sa trabaho; o kaya naman nakakayanan natin ang mga problema dahil meron tayong mga kaibigan. Mga kapatid, ang lahat ng ito ay biyaya sa atin ng Dios. Makapangyarihan Siya. Alam Niya ang pangangailangan natin, kaya, kaya Niyang ibigay ang mga ito. Ang mga computers ay nasisira, ang karwahe ay nasisira ang mga gulong, pero ang ating Dios ay kayang makagawa ng mga bagay na kahanga-hanga para maitaas ang Kanyang Pangalan.
Promise(s): Ang pangako ng Dios sa atin ay, lagi tayong magtatagumpay at mananalo kung panghahawakan natin na Siya ay makapangyarihan, at kayang makagawa ng mga imposibleng bagay.
Command(s): Huwag tayong umasa masyado sa makamundong gamit na maaari sa ating makatulong na gumaling, magtagumpay atbp. Ang Dios ang dapat pasalamatan nating lahat. Dahil Siya ang nagkaloob ng mga ito sa ating buhay.
Warning(s): Pinapaalalahanan tayo na huwag magtiwala masyado sa mga resources. Maging dependent pa rin tayo sa Dios sa kakalabasan.
Application(s): Nasa mundo tayo na punong-puno ng siyensya. Binigyan tayo ng Dios ng talino para magawa ang mga bagay na nakikita natin ngayon. Huwag tayong kumalimot sa ating Dios na magpasalamat sa Kanyang provision na ibinigay sa atin sa lahat ng oras. Huwag tayong depende masyado sa mga materyal, bagkus sa Kanya lamang lagi.
More: Read Jeremiah 9:23-24 to see what kind of boasting God accepts. Look up Psalm 33:16-19 to see why trusting in God is superior to trusting in anything else. ODJ
Huwag nating ipagyabang na matalino tayo kung matalino ka, huwag ipagyabang ang lakas kung malakas ka at mayaman dahil sa kanyang yaman. Ipagyabang natin na naiintindihan at kilala natin ang Dios, na nagsasagawa ng kabutihan, hustisya at karapat-dapat sa mundo. At, walang magagawa ang lahat ng bagay kung hindi nakatuon ang paningin sa Dios, na may takot sa Kanya at ang kanilang pag-asa ay ang walang palyang pag-ibig Niya. In short, huwag magmayabang kung anong meron ka. Dahil lahat ng iyon ay bigay ng Dios. Magpasalamat at magbahagi kana lang.
Next: What happens to your relationship with God when you take the credit for the success He's given? How might a person balance confidence in a God-given skill with confidence with God? ODJ
- Magiging masaya ang pakikitungo/relasyon ko sa Dios. Siya ang may bigay ng lahat eh. At saka, magiging kampante ako dahil napakabuti Niya.
- Kapag ginamit ng isang tao ang kanyang skill sa kapwa at sa simbahan ng walang pagyayabang. Makikita mo sa kanya ang pagiging mapagpakumbaba.
Bible Verse for Today: Psalm 44:8 "In God we make our boast all day long, and we will praise your name forever."

No comments:

Post a Comment